EXCLUSIVE INTERVIEW
Pacquiao is scared of me --Marquez
PRANGKAHAN
Dindo M. Balares
PLEASANT surprise ang paglitaw ni Juan Manuel "Dinamita" Marquez sa Invasion: Philippines vs. The World sa Araneta Coliseum kahapon.
Kaya naman sa dami ng mga celebrity sa Big Dome ay siya ang dinumog ng mga tao. And the feeling is mutual, dahil tuwing may lumalapit para magpa-picture taking ay buong lugod namang pinagbibigyan ng itinuturing na pinakamapanganib, pinakamatindi't pinakamahusay na nakalaban ng kababayan nating si Manny "Pacman" Pacquiao.
Tumatayo pa si Marquez, nang paulit-ulit, hindi lang basta nakaupo't pababayaang yumukod na lang ang fans -- tulad ng ginagawa ng ibang suplada/supladong celebritites. At laging may nakahandang ngiti. Ni hindi siya kinakitaan ng pagkairita o pagkasuya sa walang tigil na paglapit sa kanya ng mga tao.
Napaka-accomodating ni Marquez, at halatang enjoy na enjoy sa labis-labis na atensiyon at paghangang ipinadarama ng mga Pinoy kaya naman walang pag-aalinlangang lumalapit sa kanya ang mga kababayan natin.
Para siyang pagkatamis-tamis na baong nilalanggam kahapon sa loob ng Araneta Coliseum.
Magalang namang umaatras ang mga tagahanga ni Marquez tuwing may nagsasagupaan na sa ring, pero tuwing time-out ay nakapalibot uli sa Mexican boxer ang mga hindi pa napagbibigyan at isa-isa uling nagpapakuha ng retrato.
Ilang upuan lang ang pagitan nila ni Pacman na nasa front row, nasa second row naman si Marquez (nasa fifth row kami sa kaparehong section). Dingding lang ang pagitan, sabi nga. Kaya kitang-kita namin na samantalang sabik na sabik magpakuha ng picture kay Marquez ang maraming kababayan natin ay mangilan-ngilan lang ang mga lumalapit kay Manny para magpapirma o kaya'y magpa-picture taking.
Dahil kaya tagarito naman sa atin si Manny at madalas makita, samantalang first time pa lang at baka nga hindi na maulit ang pagdalaw ni Marquez sa 'Pinas?
Dahil sa nakakatuwang sitwasyon na namamasdan namin ay biniro ko si Cris Stohner Tan ng ABS-CBN corporate communications nang lumapit sa amin na gusto kong interbyuhin si Marquez. At mantaking natiyempo pa na siya pala ang naatasan ni Peter Musngi -- ang batikan at matinik na vice-president ng Manila Radio Division at inilagay na main man ni Mr. Gabby Lopez sa ABS-CBN Sports -- na sumundo kay Juan Manuel Marquez sa airport kahapong madaling araw! Kaya kilala si Cris ni Dinamita at pati na ng mga handler nito.
Resulta, sa tulong ni Cris ay nakakuha kami ng maikling exclusive interview kay Marquez. May interpreter siyang kasama, pero pabiro niya akong hinamon na sa Tagalog kami mag-interbyuhan dahil, "I know Philippine language!"
Maayos ang English ni Marquez kaya diretsahan na ang usapan namin sa English, nakaalalay na lang paminsan-minsan ang interpreter.
"Your country is very beautiful!" sagot niya nang tanungin ko tungkol sa inisyal na impresyon niya sa Pilipinas.
Tinanong ko siya kung ano ang nararamdaman niya sa walang tigil na paglapit sa kanya ng Pinoy boxing fans.
"Filipinos are very nice people. Very kind. I love Filipinos. You are very warm and very friendly," sabi niya.
Sunod kong tanong, ano ang masasabi niya na maraming Filipino boxing analyst na tahasang kumontra sa panalo ni Manny sa huling laban nila? Na siya raw ang dapat nanalo?
"Because that's the truth. I won, again," sagot niya. "The whole world says I won the fight. But the judges gave it to Pacman."
Nagkita at nagkausap na ba sila ni Pacman mula nang dumating siya sa Pilipinas?
"Yes. I asked him to give me one more fight. But he said no. I want another rematch to prove that I am the real winner. But he always say that the business is over. For me, it's not yet over."
Marami ang nagsasabi na siya ang boksingerong katapat ng husay, tapang at bangis ni Manny. Sa palagay ba niya ay natatakot na si Pacman na makipaglaban uli sa kanya?
"I think so. Pacquiao is scared of me. If not, he'll fight me again," sagot ni Dinamita.
Hanggang Martes lang dito si Marquez. Pero balak daw niyang bumalik uli ng Pilipinas dahil napamahal na kaagad sa kanya ang mga Pilipino.
Tingnan n'yo nga naman, dahil sa kahusayan ni Manny Pacquiao sa boksing, dumarami ang nai-in love sa bansa natin at sa ating mga Pilipino. Lahat ng natatalo at pinatutumba ni Manny sa lona ay nagiging curious sa Pilipinas, nagpupunta sila rito at nadidiskubre kung gaano kaganda ang bansa natin at kung ano ang magagandang katangian ng mga Pilipino.
Pagkatapos ng event, sa gazebo sa poolside sa likod ng Big Dome, nakita naming masinsinan ang pag-uusap nina Peter Musngi, Marquez at grupo nito habang magkakaharap sa iisang mesa. Nagmamadali kami para humabol sa deadline kaya hindi na kami nakapag-usisa kung ano ang bagong "niluluto" ng ABS-CBN Sports.
Samantala, hindi na rin kami magtataka kung tulad ni Erik Morales ay may mga kompanya ring kumuha kay Marquez para maging product endorser. Charming din si Marquez, at kaiba sa dating impresyon natin sa kanya, hindi pala siya "masyadong" mayabang.
Thursday, May 1, 2008
INTERVIEW: KORINA (PART 1)
Mas importante ang public service kaysa camera shot --Korina Sanchez
PRANGKAHAN
Dindo M. Balares
(UNANG SA 2 BAHAGI)
BILANG peryodista, malaking tulong sa amin ang "thin-slicing theory" na nilaro nang husto ng The New Yorker magazine writer at book author na si Malcolm Gladwell sa libro niyang Blink. Sa literal at madaliang paliwanag, ayon sa mga ekspertong bumuo ng teoryang ito, hindi na natin kailangan pang ubusin ang isang buong pizza kung gusto nating matikman ang lasa nito. Isang slice lang ang kailangan, tapos ang usapan. Dahil naroroon na rin naman sa kapirasong slice na iyon ang lahat ng ingredients nito. O ang lasa ng buong pizza.
Sa kultura natin, may kinalaman ito sa kasabihang, "Hindi mo malalaman ang tunay na ugali ng isang tao hangga't hindi mo ito nakakasama sa ilalim ng iisang bubong." Hindi nangangahulugan na kailangang habang-buhay natin siyang makasama sa isang bahay. Sa loob ng isang buwan, o pinakamatagal na ang isang taong pagsasama, tiyak na lalabas na ang natural.
Malaking hamon sa mga journalist kung paano maipapakilala sa publiko ang isang personalidad sa pamamagitan ng isang interbyuhan. Pero dito namin nagagamit ang thin-slicing theory. Sinisikap naming makakuha ng isang piraso ng buhay o katauhan ng isang personality/celebrity na maihaharap namin sa publiko. Paano? Sa pamamagitan ng mga katanungan na maglalabas ng "best" o "worst" ng iniinterbyu.
Sa kabilang banda, thin-slicing theory rin ang ginagamit ng mga nagpapakalat ng black propaganda. Pinipili nila ang masasama o mapanirang bagay tungkol sa isang personalidad, kadalasan ay inimbentong impormasyon o tsismis, at presto, iyon na ang magiging impresyon ng publiko sa naturang personalidad. Saka naman papasok ang "re-enforcement threory" o ang paulit-ulit na paglabas ng naturang tsismis o impormasyon, hanggang sa maging "totoo" na ito sa paniniwala ng mga tao.
Sa ganitong paraan napaglalaruan ng "spin doctors" ang media. O ang lipunan, sa kabuuan. At hindi lang mga pulitiko ang nabibiktima ng black propaganda. Pati media personalities.
Kailangan pa bang sabihin na isa si Korina Sanchez sa mga biktima ng black propaganda? Ilang "urband legend" na ba ang naikalat tungkol sa kanya? Pero, bakit?
Dahil sa sobrang katapangan bilang broadcast journalist, maraming malalaking tao siyang nakakalaban. May kakayahan ang mga ito na magbayad ng mga "eksperto" para sirain siya. Dahil wala nang maniniwala kay Korina Sanchez kung mawawalan siya ng kredibilidad.
Pero, nananatiling naririyan si Korina Sanchez.
Isa sa mga tumatak sa akin nang interbyuhin namin si Korina Sanchez ang reaksiyon niya nang mapag-usapan ang pagiging guest speaker niya sa graduation rites ng Miriam College (Maryknoll pa nang mag-aral siya roon).
"Sabi ko nga, what an honor. At least 'yong pagka-naughty ko dati, nabura na," natawa niyang sabi.
Inakala kasi namin na hindi siya aware sa pagiging naughty niya. Dati. Raw.
On hindsight, iba siguro ang landscape ng Philippine media kung walang Korina Sanchez na palaban. Sa uri ng pulitika o bureaucracy sa ating bansa, hindi siya magiging epektibo kung mahinhin siya na parang si Maria Clara.
Free-flowing ang naging interview namin kay Korina pagkatapos ng open forum ng press conference sa 9501 restaurant ng ABS-CBN para sa unang taong anibersaryo ng DZMM Teleradyo, kasama ko sina Mario Bautista, Janice Navida ng Bulgar, Allan Diones at Laila Chikadora.
Unang paksa ang mga taong ginagawan ng istorya ng Rated K -- ang pagpapaaral sa mga nais mag-aral at pagtulong para makahanap ng trabaho ang nais magkaroon ng hanapbuhay sa mga ito. Pati pabahay. Parang pinagtiyap naman ng pagkakataon na natiyempong lumapit at bumati ang dalawang executives ng TESDA kay Korina. Ayon sa mga ito ay katatapos lang nilang makipagmiting kay Ms. Gina Lopez ng ABS-CBN Foundation.
"You train and provide jobs, di ba?" ganting bati ni Korina sa dalawa. "Ay, I'll call you! Can you give me business cards?
"All I'm saying is," patuloy ni Korina nang makaalis na ang dalawang ehekutibo ng TESDA, "the public service, 'yan ang mas importante kaysa du'n sa camera shot. The others we've done in the past, ginagawan namin ng ganu'n. For example may ginawa kaming kuwento sa isang 24-year-old, 'yung kuwento kong Unico Hijo, mag-isa s'yang anak, so you'd think na nakakariwasa s'ya sa buhay pero magbobote s'ya na 150 pesos a day ang kinikita, 4 thousand 5 hundred a month... so 'yon, nahanapan namin ng trabaho 'yon. And many, many others. I can give you a list. Meron kaming dancer sa isang gay bar, and he really, really want to study, 'yong isa naman na nude model, pinag-aralan namin ng criminology 'yun, ha? Sila na lang ang bumitaw, 'yung babae nagtuluy-tuloy."
Ano ang qualifications ng gay bar dancer na puwedeng pag-aralin, pabirong tanong ng mga katoto, magandang katawan?
"Loko!" natawang sabi niya, "dapat maganda ang kuwento. Pero 'di na nakikita ng camera 'yan. At saka sa galing sa akin 'yun. 'Yung mga pinapampaaral, sa 'kin galing 'yun, wala sa kompanya 'yon. Sa sariling bulsa ko 'yun. Personal ko na 'yon."
Natuto siyang mag-bazaar dahil sa charity works.
"You know, it all started we did a story lang on Umiray. Saka 'pag bazaar pala 'pag weekend lang pinakamaraming tao, 'pag weekday 'di masyado. Gano'n pala 'yon. Hindi ko alam. Eh, ngayon lang naman ako nag-bazaar. But it did very well."
Humihingi ba siya ng tulong kay Sen. Mar Roxas?
"Hindi. Kasi ang panata ko kailangan sa akin galing. It's my commitment. Sabi ko, the first million should come from me. E, marami rin akong pinapaaral. Marami rin akong pamilyang sinusuportahan. So kahit dalaga ako, hindi mura to come up with a million basta-basta. So, you work for it."
Alam ba niyang may notion ang publiko na dahil successful siya ay parang wala na raw siyang panahon para magkaroon ng sariling pamilya? At kasi pala dati na siyang may itinataguyod na malaking pamilya.
"Alam mo, ngayon ko lang nare-realize din 'yan. 'Yung sinasabi pala nila na, 'Ay, hindi na nakapag-asawa 'yan kasi ang daming itinataguyod!' Totoo rin pala 'yan. Because sometime, siguro, the fulfillment that you'd seek in a marriage and having a family is already fulfilled when you do charity early in your life. And eversince Magandang Umaga Po 20 years ago 'yon na kaagad ang ginagawa ko.'"
So, hindi rin mali ang notion na 'yon ng publiko sa kanya?
"Hindi. Kasi ngayong namatay na ang dalawa kong magulang, ako na rin ang nagtataguyod -- 'di naman nagtataguyod, pero sumusuporta rin ako sa pamilya ng tatlo kong kapatid."
Uliran pala siyang ate?
"Uliran? Kung minsan pakialamera, sabi ng mga kapatid ko. Pero sabi ko, 'Sorry, pero hangga't 'di pa kayo nakakatayo sa sarili n'yong mga paa, makikialam ako talaga.'"
Paano kung mag-asawa na siya?
"E, kaya nga hindi ko iniisip 'yan kasi marami pa akong sinusuportahan."
Totoo bang sa 2009 daw sila magpapakasal ni Sen. Roxas?
"Ay, wala kaming plano. Wala pang plano?"
E, 'yung anak muna bago kasal?
"Eh, siyempre kasal muna. Hindi puwedeng anak muna. Baka tayo batuhin na para tayong si Magdalena."
May usap-usapan na ayaw daw sa kanya ng mga Araneta (pamilya ni Sen. Roxas)? Gaano katotoo ito?
"Hindi ko maramdaman 'yun. Hindi talaga. Alam mo, ang akala ko nga ang mayayaman, nangmamaliit sila. Itong grupong ito, hindi talaga. At hindi rin sila 'yung makikita mo sa society pages. Low key sila. Pumipili lang sila ng mga pupuntahan. Hindi sila mahilig talaga sa sosyalan. Saka talagang ang makikita mong mga kaibigang nakapaligid sa kanila, mga tulad din natin."
So, unfair ang tsismis na hindi siya tanggap ng mga ito.
"Unfair for them, kasi hindi talaga sila ganoon. Matatalino sila... mga down-to-earth sila, mga simple. Mahihiya ka ngang magsuot ng alahas kapag kasama mo sila. Naka-t-shirt, nakamaong."
Si Senator Mar, ano ang relo?
"Plastik. Sa totoo lang, tingnan mo plastik ang relo niya."
So, hindi s'ya brand-conscious.
"Naku, hindi. Niregaluhan ko 'yan, ipinapasoli sa akin. Hindi niya 'sinusuot."
Tanong ni Mario Bautista: So, hindi sila tulad ng mga artista na punumpuno ng alahas kung lumalabas?
"Wala akong sinasabi," tawa nang tawang sagot ni Korina. "Ikaw ang nagsasabi n'yan, Mario. Ayokong tumango. Ayokong magtaas ng kilay. Ayokong umiling.
"Siguro the older generation they have those jewelry. Pero ang mga ka-generation namin, they don't have their own. They don't even buy."
Mr. Right Man na na para sa kanya si Senator Mar?
"Malalaman natin 'yan 'pag nagdesisyon na ako. At 'pag nagdesisyon ako, kayo ang unang makakaalam."
Marami kasi ang nagtatanong kung ano pa raw ba kaya ang kulang para hindi siya mag-settle down? Ano pa ang gustong niyang ma-achieve?
"Hindi naman siguro sa ma-achieve. Una, dapat sigurong makita ko muna ang mga kapatid ko na stable na. Na pati ang mga pamangkin ko ay maayos na ang plano para sa kanila. Kaya lang baka manganak pa nang manganak ang mga 'yan, baka uugod-ugod na ako kumakayod pa rin ako."
Bakit naman kasi niya in-appoint ang sarili na maging "brothers' keeper."
"That's what some of my friends say. But you know we've always been very close-knit. And I never expected na maagang mawawala ang mommy mo. And when that happened, I promised to take care of this family. It's a bow. And I honestly love my brothers. Bata pa lang ako, sa mga litrato namin, lagi ko silang yakap na para ko na silang mga anak."
Siya ba ang panganay?
"Second ako, I have an elder brother."
At ang "trap question" ko kay Korina: Mahirap bang maging benchmark ng journalism?
"Ako ba'ng benchmark?" nagulat niyang balik-tanong.
(HULING BAHAGI BUKAS)

INTERVIEW: GOV. L-RAY VILLAFUERTE
Gov. L-Ray Villafuerte, CEO ng Camsur
PRANGKAHAN
Dindo M. Balares
"If you build it, they will come." --Field of Dreams, 1989
PAANO mo susulatin ang isang taong mahal na mahal ng mga kababayan mo?
Mahirap.
Dahil tiyak na mahal mo rin siya. Kaya nanganganib na mawalan ng objectivity ang artikulo mo.
Bakit mo naman kasi hindi matututuhang mahalin ang isang tao na may napakatayog na pangarap para sa lugar at mga taong nasasakupan niya na pinakamalapit din sa puso mo?
Una kong nakaharap si Camarines Sur Gov. Luis Raymund "LRay" Villafuerte sa "1st Muhlach National Cable Wakeboarding Cup" ni Aga Muhlach sa Lago de Oro, Calatagan, Batangas noong nakaraang October 20. Pero bago pa iyon ay nakakarating na sa akin ang mga kuwento ng mga kamag-anak, mga kaibigan, at mga dating kaklase sa Ateneo de Naga University tungkol sa innovative o kakaiba pero nakakatuwa't kapuri-puring pamamahala niya sa provincial capitol mula nang manalo siya bilang gobernador ng probinsiya noong 2004 -- sa gulang na 36.
Cost-cutting. Ang unang memo na inilabas niya pag-upo sa puwesto sa kapitolyo ay ang bawal nang paggamit sa mga telepono sa mga personal na long distance at overseas calls at pagpatay sa mga ilaw at air conditioners tuwing break time. Sinuspende rin ang hiring ng mga empleyado dahil laging kinakapos ng pangsuweldo ang provincial government. Dumaan sa matinding screening process ang rehiring ng dating casual employees, consultants, at -- ang ikinatuwa ng lahat ng mga Bicolano sa lahat ng dako ng mundo -- sinipa ang mga "15-30" o mga empleyado ng probinsiya na tuwing a-kinse at a-trenta ng buwan lang nakikita sa kapitolyo.
Productivity -- ang deklarado niyang magiging haligi ng administrasyon niya. Kaya, bawal ang tamad.
Kasunod agad nito ang usap-usapan pa rin hanggang ngayon sa buong probinsiya tungkol sa di-pagkakaunawaan nina Gov. LRay ay ng amang hinalinhan niya sa puwesto at kasalukuyang Cong. Luis Villafuerte.
Anak kontra ama. New Politics versus Old Politics. Bagong brand ng management vs. traditional governance.
Sa pangalawa naming paghaharap noong nakaraang weekend, nalaman ko na sadyang nais niyang baguhin ang takbo ng pulitika. Kinumpirma rin niya na tama ang sabi-sabi na siya ang pinaka-cool na gobernador.
"Gusto kong baguhin ang image ng political leaders, na laging nakaporma pero kulang naman sa performance, laging namumulitika, at malaki ang tiyan," sabi niya.
Nagtapos ng Political Science sa De La Salle University at ng isang kurso sa Stanford Graduate School of Business, 22 taong gulang si LRay noong 1990 nang simulan ang Lara's Gifts & Decors, Inc. sa puhunang P50,000, tatlong manggagawa, at 22 square-meter na pagawaan. Nang kumandidato siya sa Camarines Sur noong 2004 ay may 3,000 siyang empleyado, dalawang ektaryang pagawaan, at sales sa export na umaabot sa US$20 million.
Sa kasalukuyan, ang Lara's Gifts & Decors -- na pinatatakbo na ng wife niyang si Lara mula nang maging abala si LRay sa probinsiya -- ay may 5,000 workers, assets na mahigit sa P400 million, 4 na ektaryang pabrika, showrooms sa Hong Kong, New York, Minneapolis, at supplier sila ng technocrafts sa upscale chain stores na tulad ng Target, Pier One Imports, Linens and Bed, Bath & Beyond, atbp.
Multi-awarded entrepreneur nang maging gobernador sa Camsur si LRay at nagawa niyang ipagpatuloy sa pulitika ang kahusayan sa negosyo.
Mula sa pagiging CEO ng sariling negosyo, siya ang CEO ngayon ng Camarines Sur. Ang mas epektibong pagpapatakbo ng gobyerno.
"Marami nang development dito at malaki na ang ipinagbago," sabi sa akin ni Gov. LRay habang iniinterbyu ko siya at sinabi ko sa kanya na halos 20 taon na akong wala sa Bicol, kailangan kong mag-catch-up, kaya maraming salamat sa imbitasyon.
Nasa lilim kami ng isa sa malalaking bukas na gusali ng Camsur Wakeboarding Center (CWC) na nakaharap sa wakeboarding lake na tuluy-tuloy ang ikot ng kableng humihila sa mga Pinoy at foreigners na walang kasawa-sawa sa paglalaro.
Ang lawa, tulad ng isa pang mas malaking lake na nakalaan naman sa rowing at kasalukuyang hinuhukay sa kaliwang bahagi ng wakeboarding center ay man-made.
"It only took few months to construct the lake.We started January 2005 and finished May that year."
Kumusta ang return of investment?
"Very good. Mas malaki pa sana kung may bayad ang entrance. Pero sinadya kong walang bayad para makapasok din ang mga Bicolano na gusto lang manood o gustong makakita ng celebrities na pumupunta rito. Very affordable, P110 lang ang bayad sa wakeboarding. We made P70 million last year. Kami lang yata ang provincial government na may sariling negosyo at kumikita ng gano'n kalaki. I'm happy too that the public is gradually taking interest into this watersport. 95%-98% of our guests are first-timers."
Mas malaki ang kinikita ng CWC sa hotel accomoditions, pagkain at iba pang services tulad ng spa. May foreigners na sa labis-labis na pagkakahumaling sa kagandahan ng lugar at sa hospitality ng mga Bicolano ay inaabot ng 3-4 na buwang bakasyon sa CWC.
Target din niyang mabuksan sa buong mundo ang napakarami pang maipagmamalaking tourist spots ng probinsiya, tulad ng Mount Isarog, Mt. Asog, ang beaches sa Caramoan Peninsula (na ayon sa ilang foreigners na nakausap namin sa CWC ay location ngayon ng Survivor French edition at may Hollywood stars daw na kasama), Lake Buhi na tahanan ng sinarapan at 11 pang ibang lawa, 6 na water falls, 14 na ilog, at 15 springs.
Paano niya naisip ang pagtatayo ng Camsur Wakeboarding Center?
"Nagsimula lang ito nang i-challenge ako ng panganay kong anak na 'di ko kayang mag-wakeboard," kuwento niya. "Siyempre gusto mo namang patunayan sa mga anak mo na kaya mo silang samahan sa sports nila. Ito na ang naging resulta. "
Apat na ang anak niya, sina Miguel, 18; Julio, 16; Gabriela, 11; at Luigi, 10; na lahat ay kasa-kasama tuwing naglalaro siya ng naturang watersport. Ang pagsasama-samang ito ng magpapamilya ang namasdan at gustong tularan ni Aga Muhlach at kaya tuluy-tuloy na ring nagustuhan ng aktor ang wakeboarding.
"Wakeboarding is a lifestle sport. It's fast becoming popular," kuwento ni Gov. LRay. At kalkulado niya ang paglago nito bilang tourist attraction sa Pilipinas. "Sa U.S. at Europe, 'di na sila puwedeng mag-wakeboarding 'pag winter. Dito sa atin, buong taon puwede. Kaya napakalaki ng chance na sa atin magsipuntahan ang wakeboard riders sa buong mundo." Na tinataya niyang umaabot sa mahigit dalawang milyon katao.
Napatunayan din niya na marami ngang maibibigay na trabaho at kabuhayan ang masiglang turismo.
"We're happy that because of wakeboarding we provided a lot of jobs for the people of Camarines Sur. We have 300 staffmembers, cooks, hotel attendants, etc. And because of wakeboarding business are being put up in Camsur."
Sa 50 ektarya sa nakatiwangwang na 150-hectare sa kapitolyo sa Pili, ang provincial town, itinayo ni LRay ang Camsur Wakeboarding Center. Nabili ito ng kanyang ama sa halagang P2.5 million, at ngayon ay nagkakalahalaga na ng P1.8 billion.
"We are planning to expand and acquire another 200 hectares," kuwento ni Gov. LRay.
Pero hindi lang tourism ang pinagkakaabalahan ng Gov. LRay. Naglaan din siya ng 6 na ektarya ng capitol complex para sa IT hub na ngayon ay mayroon nang call center na may mahigit 200 nang empleyado, eskuwelahan na nagsasanay sa mga Bicolano ng English at Japanese languages, nurses at caregivers, medical transcribers at 2D animators. Bukod ito sa inihahandang 27,000-hectare na Jatropha farm, 10,00-hectare abaca farm, 100-hectare mariculture farm, at mga proyekto sa palayan.
Imagine kung gaano kabilis ang magiging pag-asenso ng Pilipinas kung tutularan ng mga gobernador sa lahat ng probinsiya sa buong bansa ang pagiging CEO ni Gov. LRay Villafuerte. Na hindi malayong mangyari, dahil sa siya ang inihalal ng mga ito bilang National Chairman ng Philippine Governor's League.

Wednesday, March 5, 2008
MY FIRST NOVEL
(Note: Sinulat ko at na-publish ng defunct nang Emmica Publishing ang novel kong ito noong 1991. Balak ko itong i-publish uli (self-publish) bago ko ilabas ang bagong nobelang kasalukuyan ko pa lang tinatapos. Ipo-post ko rito ang first at second chapter para kumalap ng comments/reactions kung sa palagay n'yo ba'y may 'ano' o 'churva' ito o magsasayang lang ako ng sariling datung rito. Loosely based ang novel na ito sa kuwento ng isang letter-sender sa Liwayway at ginawa kong short story para sa "confessional section" noong katatapos ko lang ng college at kapapasok ko lang sa magasin bilang stafmember/proofreader. Ito ang kauna-unahan kong novel -- nakapagsulat ako ng mahigit 20 bago ako na-assign bilang editor at naging busy sa entertainment industry. Diary of Love ang title nito na balak kong palitan dahil sabi ng ilang nakabasa noong unang printing, hindi raw bagay. Feel free to give your comments/criticism, guys.)
1
HIGH school days. Ang sabi'y pinakamasasarap na araw sa buhay ng isang tao. Mundo rin ng mga katarayan at kasupladahan na walang pakialam sinuman ang masagasaan.
Ito rin ang panahon ng mga barkadahan, tsismisang walang punto, irapang walang humpay at usong pagkain ng junkfoods na parang wala nang bukas. Panahon din ito ng mga lakwatsahang hindi nalalaman ng mga magulang, dahil kung magpapaalam ay siguradong hindi rin naman papayagan.
Sa mga kabataang ganyan kabilang si Glayds, third year sa isang private high school sa Pasig. Si Glayds at ang kanyang nabuong barkadahan, kasama si Michael de Vera o Mike na hindi niya maipaliwanag kung paano nangyari.
Matagal na niyang naririnig noon sa campus nila ang pangalang Michael de Vera. Sino naman kaya ang hindi magiging pamilyar sa pangalang iyon na palaging usap-usapan ng mga teacher na sabi'y palaging nagpapasaway sa klase? Ultimo mga guwardiya sa gate ng school nila ay nangangarap na makapukpok at makabugbog sa taong nagmamay-ari ng pangalang iyon.
Sikat ang pangalang Mike o Michael de Vera. Siga raw, adik at kung anu-ano pang negative adjectives na ikinakabit sa pangalang iyon. Pero, madalas din niyang naririnig sa mga estudyanteng babae -- cute.
At mayaman.
Hanggang sa magtapos ang taon noong third year si Glayds ay hindi niya nasulyapan man lang si Michael de Vera.
Isang umaga, bigla na lang ay nagising si Glayds na papasok siyang fourth year high school na. Graduating. Noon ay school year 1985-86. Parang minadyik ang mga araw, nasabi niya sa sarili, ang bilis-bilis!
Nang maisip niya na magtatapos na siya ng high school ay naalala niya ang mga araw na inihahatid pa siya ng mommy at daddy niya sa nursery school. Bumalik sa alaala niya ang itinuturing niyang Golden Years sa buhay niya, sa piling ng mga ito, ang nakaraan na napakasimple pa ng mga bagay-bagay para sa kanya, ang magandang pagsasamahan sa kanilang tahanan bilang isang pamilya, nasusunod niya ang lahat ng sinasabi ng mga ito at wala siyang kahit na isa o kalahating reklamo sa patakaran nila.
Inaamin ni Glayds sa kanyang sarili na hindi siya lumalaking mabuting anak. Alam niya na mali ang mga panggigiit niya sa kanyang mga pansariling kagustuhan at maliliit na desisyon pero hindi niya maintindihan kung bakit paulit-ulit, iniisip niya palagi na siya ang tama.
At sila, ang palaging mali.
Alam din niya na mali ang mga pagdadabog at pagsagot niya sa mga ito ng mga salitang pabalang at masasakit sa taynga, kung bakit naman madalas pa rin niyang nagagawa. Hindi niya masagot sa kanyang sarili kung paano nagsimula ang pagkakasuot niya sa sitwasyong alam naman niyang mali ay siya pa niyang palaging nagagawa.
Ang pag-akyat sa mataas na bakod ng kanilang compound kung gabing natutulog na ang mga magulang niya, alam din ni Glayds na talagang mali. Madalas din niyang nagagawa.
Kumpleto na ang kanyang kaanyuan para matawag na dalaga ngunit hindi niya masiguro sa kanyang sarili kung siya ba talaga ay dalaga na o bata pa rin, kung kailangan na nga ba niyang mag-astang grown-up o pabayaan na lamang niya ang panahong dalhin siya sa stage na iyon. Sa pakiramdam ni Glayds ay parang dalawang tao siya sa kanyang sarili na nakikipag-usap sa taong nasa loob niya sa mga oras ng kanyang pag-iisa.
Iyon ang mga araw na sinasabihan siya ng kanyang mommy na matanda na siya para makipaglaro ng habulan sa mga kaibigan niya sa village at napagsasabihan namang siya ay bata pa kapag may nakikitang love letters na natatanggap niya na nakaipit sa notebooks at mga libro niya.
Mula sa lumiliit na mundo sa loob ng bahay ay unti-unti niyang nalaman na may mas malaking mundo pala na naghihintay sa kanya sa labas. Na bukod sa bahay at pamilya ay may shopping malls, bookstores, fastfood centers at hangouts ang mga kaibigan niyang naghihintay rin sa kanya.
FOURTH year.
Sa dati niyang section ay may mga nabawas at inilipat sa iba. Kung bakit naman kasi kinakailangan pang mapahiwalay sa kinasanayan nang mga mukha at samahan, maolunta sa ibang section ang mga kaklaseng kinagaanan na ng loob. Kaya lang, kontra man siya, wala siyang magagawa, iyon ang sistema. At siya ay isang mag-aaral lamang para mapigilan ang mga ganitong pagbabago. Kagaya rin sa mundo na marami siyang hindi nagugustuhang mga pangyayari, sa pakiramdam ni Glayds ay nag-iisa siya at walang makakausap man lamang na sasang-ayon sa gusto niyang balangkas ng mga bagay-bagay.
Si Liza na best friend niya, sinasagot lang siya ng tingin na para bang kasalanan ang pagsasalita ng mga paksa na galing sa sariling pag-iisip.
Hindi rin ito sumang-ayon sa kanya nang sabihin niyang hindi dapat napunta si Michael de Vera sa klase nila. Dahil kung ilan ang bilang na nabawas sa dati nilang section ay ganoon din ang napadagdag uli -- at isa sa mga iyon si Michael de Vera.
At ang matagal na niyang crush na third year pa lang sila ay editor-in-chief na ng kanilang schoolpaper na si Eugene Bacani.
Si Mike. Nakalaban pa niya ito sa botohan ng class president. Natalo niya. Pero naging vice pa rin niya. Kung bakit naman kasi alam na ng lahat na hindi maganda ang record nito ay parang ito pa ang pinakamalakas humila ng boto sa lahat.
Nainis si Glayds sa mga kaklase niya. Lalo pa siyang nainis nang magpadala ang mga ito sa pangangampanya at pambubuska ni Mike sa pagno-nominate kay Eugene sa posisyon ng secretary. Pikon na pikon si Glayds dahil gayong mas nakararami nga ang mga babae sa klase nila ay si Eugene pa ang nakatuwaang ilagay sa posisyon para sa isang babae.
Hindi tago at wala siyang balak itago ang pagkaasar niya kay Mike. Sa simula pa man ay mataray na siya rito, lalo pa niyang tinarayan sa pagpapasimuno nito sa nangyari.
Ang crush pa niya ang pinagtripan!
"I find him super yabang and corny!" reklamo niya kay Liza. "'Kala mo kung sinong mag-aasta!"
"Hindi naman, a," sagot ni Liza. "Ikaw lang naman kasi itong asar na asar sa kanya."
Sa isip ni Glayds ay ni hindi niya inaasahang magiging kaibigan niya si Mike. Pero iba ang nangyari. Naging close pa siya rito kaysa kay Eugene na mas gusto niyang maging kaibigan.
At sina Mike at Eugene na magkabaligtad ang pag-uugali, naging mag-best friend.
May mga katanungan na naman sa kanyang sarili si Glayds. Hindi niya maipaliwanag kung paano sila naging magkaibigan ni Mike. Ang hindi pa niya maubos-maisip ay kung paano sila nakabuo ng grupo na pinangalanan nilang FELMG2. Mula sa initials ng pangalan ng bawat isa sa kanila.
Si Felicito Santos na inilagay sa unahan dahil sabi ni Mike ay ito raw ang pinakaguwapo -- gayong kabaligtaran, malalaki ang mga ngipin na palaging nakalitaw kahit nakatikom naman ang makakapal na labi na gagastusan daw ni Mike ang pagpapadugtong para tuluyang matakpan ang mga ngipin. Ang mga birong ganoon ay tinatawanan lang ni Santos. E for Eugene Bacani na kinasanayan nila sa pangalang Yod. L for Lisa Cabrera, M for Michael at G2 dahil dalawa silang may initial na G. Si Gina Chanco at siya.
Glady ang tunay niyang pangalan. Glady Ramirez. Ayon kay Liza ay malalaman sa kanyang pangalan ang personality niya. Glady. Glad. Bungisngis. Glayds (Glides) ang madalas na tawag sa kanya ng barkada.
Marami pa silang kaklase at ibang schoolmates na kung minsan ay nakakasabit sa grupo pero silang anim ang core group. Araw-araw ay palaging magkakasama, may pasok man o wala. Hindi nauubusan ng kuwento ang bawat isa, palaging maingay, sabay-sabay na lumalabas ng eskuwela sa oras ng uwian. Palagi ring kumpleto sa pagdalo sa mga party at swimming.
"Uminom na naman kayo?!"
Ito ang palaging linya ni Glayds kina Mike, Yod at Santos, laging pasigaw na nasa tono ng paninita.
"Baka nga hindi lang alak ang nagpapapungay sa mga mata ninyong 'yan," idudugtong ni Gina.
Liza: "Grass, tsongki, stuff, cough syrup, turok. Alin ba ang ginamit ninyong tatlo ru'n?"
"Liza naman," isasagot ni Mike habang ginagawa ang pamilyar nang pagkakamot nito ng batok.
"Alak lang."
"At saka, konti lang naman, e," ihahabol ni Santos. "Paminsan-minsan lang naman 'to, di ba?"
Liza: "Naku! 'Yang paminsan-minsan ninyong 'yan ang magdadala sa inyo sa impiyerno."
Si Mike na palaging namimilosopo: "Naririto na raw s alupa ang impiyerno, Liza. Kaya nga kami umiinom para sa heaven naman kami."
"Yuck!"
"Bad influence talaga!" linya ni Glayds na hindi lang naggagalit-galitan kundi talagang galit. "Pati si Yod, eh, idinadamay mo pa sa mga kalokohan mo."
Sina Santos at Yod ay sasagot na lang ng kiming ngiti. Pero si Mike ay hindi makakatiis sabihin ang sariling pinaniniwalaan.
"Alam mo ba, Glayds? Kung matututong maglasing araw-araw ang lahat ng tao sa buong Pilipinas? Ang mga pulitiko, titigil na lang sa mga kama nila, hindi na mamamasyal sa ibang bansa. Ang mga NPA at militar ay mamamatay sa sakit sa atay at baga. Lahat mamamatay. Di sa wakas, matatahimik na rin ang bansa natin."
"Oo," sasabihin ni Glayds. "At kung mamamatay ang mga lasenggo, ikaw sana ang mauna!"
"Dadalhan ko si San Pedro ng lapad para papasukin niya 'ko."
"Ang ingay mo! Kailan ka ba mamamatay?"
Poporma si Mike, titingin nang diretso sa kanya.
"Kung mahal na mahal n'yo na 'ko nang husto, Glayds. Para hindi n'yo 'ko makalimutan."

Tuesday, March 4, 2008
CHAPTER 2
ANG nakasulat sa ilang pahina ng diary ni Glayds tungkol kina Mike at Yod.
November 5, 1986
Gusto kong i-describe si Mike.
He stands about 5'6" to 5'7". Kalog with capital K. Hindi marunong magalit. Puwera na lang kung may nambabastos sa mga kasama niyang babae -- sa amin nina Liza at Gina. Hindi maipasa-pasa ang Trigo dahil hindi marunong gumagawa ng assignment. Palaging nagpapa-cute kapag may chicks kaming nakakasalubong, laging nakangiti na parang palaging maganda ang ttkbo ng mundo gayong lahat yata ng subjects ay mababagsak na siya. Pero magaling daw siyang chemist dahil genius daw siya sa pag-transform ng biro galing sa problema.
Palibhasa'y lakwatsero kaya marami ang nagkakagustong girls sa kanya. Maraming kakilala, na sabi niya, more esposure, more victims.
Cute naman kasi talaga. Sinasabi ng iba na kamukha raw ni Mike si Aga Muhlach gayong sabi naman namin ni Liza ay si Joey Marquez ang kamukha niya.
Noong bago pa lang kaming magkaklase ay asar na asar ako sa bawat galaw ni Mike. Pero ngayong nagkakilala na kami nang husto ay nalaman kong okey naman pala siya. En joy kasama. Hindi kagaya ni Eugenio (Yod) na crush ko pa naman sana pero siya na yatang pinaka-boring at pinakatorpeng lalaki sa buong mundo.
Now I find Mike more gentle and more malambing than Yod. And mas cute. Si Eugenio ay wala nang ibang natututuhang gawin kundo ang magsulat ng tula at ng articles niya sa schoolpaper.
Hindi ko alam kung marunong man lang sumulat ng love letter si Eugenio. Cute at talented naman sana, mukhang mokong naman. Kung idadaan sa mathematical equation ang pagkakakilala ko kay Eugenio, lalabas na parang wala rin akong nakilala.
May semblance of truth naman ang sinasabi ng iba naming schoolmates na may hawig si Mike kay Morning. Lalo na sa dimples at mga mata.
Iyon nga lang, lahat ng subjects seventy five ang grades.
Mabibilang ko lang sa isang daliri ko ang araw na hindi nasermunan si Mike ni Mrs. Tinio. Tuwing absent siya.
Abnormal. Na sabi niya ay gaya ng behavior niya dapat ang tawaging normal: pinagagalitan na ay nakatawa pa. At naku, superman pagdating sa kopyahan kapag may exams. Nakikila ang answers ko kahit sampung metro ang layo ng upuan namin.
Mahilig sa Collezione t-shirt si Mike. At papakero ng Chickenjoy. Kulang na lang ay lunukin niya pati but9o ng manok. Palaging nakakupas na jeans at topsider shoes. Ang pampasok niya ay loafers at neat talaga kung magdala ngdamit. He would sport a clean cut hair kaya kung dumaan ay babaeng may katarata na lang sa mata ang hindi mapapalingon.
Sino ba siya sa buhay namin nina Liza at Gina kung hindi ang palaging nariringgan ng, "Pakigawa n'yo naman ako ng project, o!"
Ewan ko. Sina Liza at Gina, natitiis siya. At ako? Ako ang gaga na hindi nakakatulog kapag hindi nagagawa ang kailangan niya. Siguro ay dahil malambing naman siya ay nagbabayad naman sa paghahatid sa akin tuwing ginagabi kami sa mga lakwatsa. Presentado sa pagsundo tuwing may mga kakilala kaming magde-debut.
Marami akong ayaw kay Mike. Kagaya pagda-drugs niya. Isang bagay ito na hindi ko mapatunayan dahil kung tinatanong namin ay sinasagot kami ng kung anu-ano para mailigaw ang isyu. "Mga pulis ba kayo?" "May pruweba ba kayo?" "Allegation lang 'yon!" "'Tong pogi kong 'to, sisirain ko sa drugs? H'wag na, oy!"
Isa pang ayaw ko sa kanya ay ang pagiging pabaya niya sa pag-aaral na para bang ginagamit pa niyang dahil ang pagiging mayaman ng pamilya nila. Eh, kung maghirap? sasabihin sa kanya ni Liza. Sasagutin iyon ni Mike ng kayabangan: "Kami, maghihirap?" Napakahilig sa mga party. Halos mataranta kung nagyayaya. Super-kulit!
Michael is really close to me. May instances na parang boyfriend ang turing ko sa kanya at girlfriend naman ang turing niya sa akin. Sumusunod sa mga utos ko (takot sa akin) at nakikinig sa advices kahit mas matanda siya sa akin. Napakalakas mang-asar at napakahilig magpasaring na manliligaw. ('Di na lang ituloy.)
Alam niya ang pasikut-sikot ng buhay ko. Pati ang conflict ko sa parents ko. Sa isang banda, alam ko rin ang lahat ng secrets niya. Well, almost. Pati ang mga nagawa na niyang kasalanan sa lahi naming mga babae.
Ang madalas na nagiging problema ni Mike ay babae. Marami siyang girlfriend. Pero seryoso siya sa cute na taga-Forbes na pinagselosan namin ng barkada.
Naiisip ko rin kung bakit mas close ako sa kanya kaysa kay Yod. Si Yod, kahit wala nang umalalay. Hindi na kailangang asikasuhin. Kung baga, mas nangangailangan si Mike ng magbibigay ng direksiyon.
Inamin niya sa akin, ako raw 'yun.
NANG mag-graduation na sila, pagkatapos ng farewell party sa bahay nina Liza ay bihira nang magkita-kita o mabuo ang grupo. Maliban sa kina Glayds, Mike at Eugene. Pero ms madalas na silang dalawa ni Mike ang lumalabas. Laging binabalak nito na mag-reunion sila. Kaya nang December ng taong 1987, mahigit isang taon pagkatapos nila ng high school ay napag-usapan nilang dalawa na gumawa ng invitation letter at napagkasunduang magkita sa Cubao para ipa-photo copy ito.
Muntik na namang maasar si Glayds dahil alas diyes kuwarenta'y singko na ay wala pa rin ito sa meeting place nila gayong alas diyes ang usapan nila.
"Alas nuwebe, ha?" inis na sabi ni Glayds pagdating ni Mike. "Anong oras na?"
"Sorry, inutusan kasi ako ng nanay ko na i-deliver muna ang mga plastic bag sa Divisioria. Nagkagulu-gulo raw kasi ang shifting ng mga driver niya nang may sabay na magkasakit. Ngayon, walang nag-report kahit isa," paliwanag nito na nagkakamot na naman ng batok. "'Tapos naligo pa ako dahil naisip ko na baka yayain mo ako sa bilang tuwid," saka tumawa nang malakas.
Nagulo nila ang tahimik na kapaligiran ng bookstore. Nagtinginan sa gawi nila ang mga tao.
Sinipa ni Glayds sa paa.
Kaunti pang asaran at saka lang sila nagpa-photo copy ng invitations.
"Kain muna tayo bago umuwi," yaya nito sa kanya pagkatapos.
"Kung magyaya ka, Mike, alam mo ba? Para bang nagpapapilit pa ako."
"Baka lang naman kasi ayaw mo, eh."
"Ako, Mike basta pagkain, wala nang pilitan."
"Oo. Sa panliligaw ko lang naman kita hindi napipilit."
"Kailan kaya 'yon, 'no?" tawa niya.
"Kailan kayang ano? Liligawan kita?"
Pinagtawanan ni Glayds ang nakitang reaksiyon ni Mike.
"Anytime, Glayds, anytime," sabi nito na hindi ngumingiti. "Anytime na gusto mo nang ligawan kita."
"Ang tiyaga ko naman, 'no? Ako pa ang magbibigay ng go-signal, gano'n?"
"H'wag ka nang magkaila, Glayds. Halata namang crush mo 'ko, eh."
"Kung sampalin kaya kita d'yan para magising ka sa panaginip mo, Michael ka!"
"O, tara na," iwas agad nito. 'Ako'ng taya ngayon kahit umubos ka pa ng sanlibong hamburger."
"Teka, daan muna tayo sa Mercury. Bibili lang ako ng ano..."
"Sanitary napkin na naman?" tumatawang tanong agad nito. "T'wing nagkikita tayo, lagi ka na lang bumibili, ah! Ano ba 'yan, ilog?"
Subscribe to:
Posts (Atom)